Announcement: SHARPEN – Skills HARnessing for Pastoral Ministry and EvangelizatioN (09.11.22)

SHARPEN

Malugod po kayong iniimbitahan ng Diocese of Malolos – Commission on Social Communications sa ikatlo nitong workshop sa taong ito na pinamagatang SHARPEN: Skills HARnessing for Pastoral Ministry and EvangelizatioN.

Makikita sa logo ng SHARPEN ang layunin ng workshop na ito: paghahasa at pagpapalalim ng kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang mga teknolohiya sa makabagong panahon.

Ito ay sinasagisag ng tools ng mga editing software, tulad ng pen tool at curves; film strips na ginagamit sa pagkuha ng mga video at larawan; at chat bubble na sumisimbolo ng mga application na ginagamit sa komunikasyon.

Sa gitna ng mga instrumentong ito ay ang krus na sumasagisag na ang pangunahing tunguhin ng pagpaunlad ng mga kaalamang ito ay isang epektibo at mabungang paglilingkod sa Panginoong Diyos.

Abangan ang iba pang mga detalye ukol sa SHARPEN. Tumutok lamang sa Facebook page ng Diocese of Malolos – Commission on Social Communications.

Leave a Reply

Your email address will not be published.