BALITANG SANDIGAN: Programang “Shepherding the Shepherds”, pinasimulan ng Commission on Clergy

Ika-23 ng Agosto 2022 – Sa pangunguna ni Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D. D., Obispo ng Malolos, ginanap ang pagpupulong ng Commission on Clergy para sa isang orientation ukol sa programang “Shepherding the Shepherds”.

Ito ay nakaangkla sa sipi mula sa Aklat ni Jeremias: “I will give you shepherds after my own heart.”

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng mga lingkod ng bawat bikarya’t distrito ng Diyosesis sa pangunguna ni Rdo. P. Efren G. Basco, Vicar for the Clergy. Kasama nya ang mga District Episcopal Vicar na sina Rdo. Msgr. Manny Villaroman ng Hilagang bahagi; Rdo. Msgr. Ranie Trillana ng Silangang bahagi; Rdo. P. Albert Santiago ng Timog na bahagi; at Rdo. Msgr. Ady Vergara ng Kanlurang bahagi.

Dumalo rin sa nasabing gawain ang mga Vicars Forane na sina Fr. Ed Rodriguez (Malolos), Fr. Willy Lucas (Hagonoy), Fr. Peng Sulit (Plaridel), Fr. Val Banag (Bocaue), Fr. Coco Tibayan (Sta. Maria), Fr. Mulong Perez (San Jose del Monte), Fr. Ikyo Ramos (Valenzuela), Msgr. Andy Valera (Meycauayan), Fr. Nap Baltazar (Baliuag) at Fr. Avel Sampana (San Miguel).

Naganap ang pagpupulong sa pagtuwang ni Rdo. P. Rolando A. Espiritu at sa pagtangkilik ni Rdo. P. Isidro L. Rodriguez ng Parokya ng mga Puso ni Hesus at Maria, Mojon, Lungsod ng Malolos.

#AngSandiganMalolos

#BalitangSandigan

Leave a Reply

Your email address will not be published.