BALITANG SANDIGAN: Bagong Vocation Director, itinalaga

Mula sa: Bulacan Vocation Promoters

Inanunsyo ng Bulacan Vocation Promoters Facebook page ang pagtatalaga ng Lubhang Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D., Obispo ng Malolos kay Reberendo Padre Rex Andrian E. Polintan bilang bagong Vocation Director ng Diyosesis ng Malolos.

Siya ang humalili kay Reberendo Padre Alvin P. Pila na itinalaga naman ng Obispo bilang Tagapangulo ng Diocesan Commission on Youth (Diocese of Malolos).

Si Padre Polintan ay kasalukuyang Pangalawang Tagapangulo ng Diocesan Commission on Liturgy-Malolos at Tagapamahala ng Disiplina sa Immaculate Conception Seminary.

Ang Bulacan Vocation Promoters ang grupo ng mga tagapagtaguyod sa Diyosesis ng Malolos na kinabubuuan ng mga seminaryo at religious congregations na nagpapalaganap ng vocation campaign para sa pagpapari at pagtahak ng buhay relihiyoso sa Diyosesis ng Malolos.

#sandiganmalolos

#bulacanvocationpromoters

#vocationdirector

Leave a Reply

Your email address will not be published.