Obituary: Rev. Fr. Federico T. Dela Cruz (1956-2022)

SUMALANGIT NAWA

Isama natin sa ating panalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ni +Rdo. P. Federico M. Dela Cruz na sumakabilang-buhay kahapon, Mayo 22, 2022, Kapistahan ni Sta. Rita de Cascia.

Ipinanganak si Fr. Federico noong Disyembre 31, 1956 at inordenan noong Agosto 27, 1994. Huli niyang napaglingkuran bilang Kura Paroko ang Parokya ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa, Peñabatan, Pulilan.

Ang kanyang mga labi ay ihihimlay sa 196 Balubaran St., Duhat, Bocaue.

Sa Mayo 27, ika-8 ng umaga, dadalhin ang kanyang mga labi sa Parokya ng Sto. Cristo at San Andres Kim-Taegon, Lolomboy, Bocaue, Bulacan. Pangungunahan ng Lub. Kgg. Dennis Villarojo, DD, ang Banal na Misa sa ganap na ika-2 ng hapon.

Kapayapaan kailanman ay igawad ng Maykapal sa kaluluwa ni P. Federico,
Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan.
Amen.

#SumalangitNawa
#AngSandiganMalolos

Leave a Reply

Your email address will not be published.