NEWS BULLETIN, DIYOSESIS NG MALOLOS, 02 AGOSTO 2020

NEWS BULLETIN, DIYOSESIS NG MALOLOS, 02 AGOSTO 2020:

Obispo Iñiguez nagpositibo sa COVID-19, stable sa pagamutan; mga pagdiriwang sa National Shrine of Divine Mercy, pinatigil

Nananawagan ang ating Obispo, Lub. Kgg. Dennis Villarojo na patuloy ipanalangin ang Obispo-Emeritus ng Kalookan, Obispo Deogracias Iñiguez na ngayon ay nasa pagamutan na nag-postive sa COVID-19 matapos dalhin sa ospital sa ibang kadahilanan.

Ayon sa Obispo, batay sa pinaka huling ulat na kanyang natanggap ay nasa “stable condition” si Obispo Iñiguez.

Dahil dito, ipinag-utos din ni Obispo Villarojo ang pagpapatigil ng mga pagdiriwang sa National Shrine of Divine Mercy sa Marilao, Bulacan, kung saan tumutulong si Obispo Iñiguez bilang isa sa mga paring lingkod doon.

Ipinasailalim na rin sa COVID-19 tests ang mga pari at naglilingkod sa National Shrine.

Ayon kay Obispo Villarojo, hindi magpapatuloy ang mga pagdiriwang sa National Shrine pf the Divine Mercy hangga’t hindi lumalabas ang mga resulta ng COVID tests ng mga pari at lingkod doon.

Nagsagawa na rin ng malawakang disinfection sa naturang pambansang dambana na dinarayo ng maraming tao.

Kasabay nito, muling ipinaalala ni Obispo Villarojo sa mga pari ng Diyosesis ng Malolos ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa Misa sa ilalim ng GCQ gaya ng sampung porsiento (10%) lamang ang maaring papasukin sa simbahan kasabay na rin ng mga iba pang protocol gaya ng pagsusuot ng face masks, at ang pagpaparehistro ng mga magsisimba para sa contact tracing.

Muli din niyang hiniling ang ating ibayong pag-iingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *