PAGBABALIK NG PAGDIRIWANG NG MGA MISA PUBLIKO SA PANAHON NG MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE (MGCQ)

Sa panahong ito ng pandemya, sa pagsasailalim ng pambansang gobyerno ng buong Lalawigan ng Bulacan sa kategoryang Modified General Community Quarantine o MGCQ, pinahihintulutan na ang pagbubukas ng ating mga Simbahan para sa pagdiriwang ng mga MISA PUBLIKO.

Alinsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) ng ating gobyerno, pinapayagan ang Misa Publiko sa kondisyong hindi hihigit sa LIMAMPUNG PORSIYENTO (50%) ng kapasidad ng mga upuan (pews) ng Simbahan ang dapat na maging bilang ng mga dadalo sa mga pagdiriwang habang mahigpit na ipatutupad ang lahat ng mga health protocols kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Ang mga sumusunod na mga Alituntunin at Gabay sa Pagsisimba ay ipatutupad sa lahat ng mga Parokya na sakop ng Diyosesis ng Malolos, maliban sa Bikarya ng Valenzuela, na kasasulukyang nasa ilalim pa rin ng kategoryang General Community Quarantine (GCQ).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *