Homilya ni Obispo Ongtioco para sa Misa ng Krisma sa Taon ng mga Kabataan

Obispo Ongtioco sa Katedral ng Malolos sa Misa ng Krisma
Narito ang kabuuan ng homilya ni Obispo Honesto F. Ongtioco, Administrador Apostoliko ng Diyosesis ng Malolos, sa Misa na may Pagtatalaga ng Krisma, Pagbabasbas ng mga Langis, at Pagsariwa ng mga Pangako ng mga Pari, Abril 16. Sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Eukaristiya  at Pagpapari, mga kapatid kong pari, tayo ay natitipon sa hapag ng Panginoon upang magpasalamat sa dalawang mahalagang regalo ng Eukaristiya at Pagpapari sa simbahan. Sa pagdiriwang natin ng Misa ng Krisma sa Taon ng mga Kabataan, ang ating mga isip ay bumabalik sa mga sandali noong tayo ay tinawag ng Panginoon para sa ordinasyon. Karamihan sa atin ay nasa kabataan pa noon. Dahil sa ating youthful idealism, tayo ay tumugon sa tawag ng Diyos. Noon ang ating mga pangalan ay tinawag, tayo ay tumayo at sumagot ng “Adsum”, “Present” (Narito po ako). Tayo ay nag-aalab sa pagmamahal ng Diyos nang may pananalig at sumagot tayo ng “opo” sa bawat katanunga ng Obispo. Gayunman, ang pangunahing motibo natin sa paglilingkod sa Diyos ay ang pag-ibig sa Kanya. Tayo ay tumugon sa tawag ng Diyos noong tayo ay nasa rurok ng ating kabataan. Ang pinakamagandang bahagi ng ating buhay ay ating ibinuhos sa paglilingkod sa Panginoon. We offered Him the choicest portion of our lives. Ang alaala sa ‘ting ordinasyon ay dapat nasa isip natin tuwing tayo ay lalapit sa altar para maghandog ng Sakripisyo ng Misa. But this should not be merely a sentimental remembrance of the past. Pope Francis tells us, his brother priests – “youth is more than simply a period of time; it is a state of mind. As a state of mind then, we see how the priesthood and the Eucharist become united in the one reality of anamnesis” – a commemoration which is not merely remembrance but making present, tangible, and alive what has transpired in the past. It is this reality of youthfulness which joins all our celebrations today – Jesus, who is ever young shares this eternal youthfulness to the Eucharist, the Priesthood, and the Church. And we renew our priestly commitment because it is only in the spirit of youthfulness where renewal is ever possible – a return to the love you once had (Rev 2:4). Youthfulness therefore, is a pre-condition to renewal of making new again! Natatandaan ko pa noong ako’y magsimulang magsakristan. Grade Two ako at Latin pa ang buong misa. Nagsisimula at the foot of the altar. Sinasabi ng pari, “Introibo ad altare Dei” (I will go to the Altar of God). Kaming mga sacristan ay sasagot, “ad Deum qui laetificat juventutem meam” (to God who gives joy to my youth). Yes, prayed at the foot of the altar, because it is only with a youthful disposition that our priesthood ad the Church can return to their source – the Eucharist, where we receive strength ever anew (Christus Vivit, 35). Sa bawat Eukaristiya, tayo ay pumapasok sa misteryo mismo ng walang hanggang kabataan (perpetual youthfulness) ng Panginoong Hesukristo. Si Hesukristo na sa gulang na 33 na nasa kasibulan ng kanyang buhay ay inialay ang sarili bilang kaaya-ayang sakripisyo sa kanyang Ama sa langit. Kaya nga gaano man tayo tumatanda, sa bawat misa tayo ay nakikiisa sa batang-batang pag-aalay ng sarili ni Kristo. Tulad ng isang taong gulang na korderong walang bahid dungis na iniaalay sa Diyos sa gabi ng Paskwa, si Hesus sa kanyang walang hanggang kabataan ay ibinubo ang kanyang dugo sa altar ng krus para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Ang ating mapitagang paghahandog ng misa araw-araw ay siyang parating magpapabata sa ating makaparing paglilingkod. Maari nating maitanong, “Ano ba ang nagpapatanda sa atin? What has robbed us of the youthfulness of priesthood?” Sa ebanghelyo ni San Mateo, matatagpuan natin ang isang kabataang lalaki na lumalapit kay Hesus at nagtatanong na matapos niyang sundin ang iniuutos sa kanya, mayroon pa ba siyang magagawa? Nakikita ni Papa Francisco sa kabataang lalaking ito ang katangian ng pagiging isang kabataan – that “openness of Spirit which seeks new horizons and great challenges” (Christus Vivit, 18) Jesus offers him a new adventure, “Go, sell your possessions and give to the poor, and you will have treasure in heaven. Then come, follow me” (Mt. 19:21) But the man has been robbed of his youth. Matapos niyang mawatasan na hindi niya mabibitiwan ang mga bagay na naging komportable sya, ang kanyang puso’y tumanda na. Kaya, ang kabataaang lalaking ito ay lumisan nang nalulumbay. The young man went away sad and has given up his youth (Christus Vivit, 18). Sapagkat naipagpalit na niya ang kanyang kabataan. Tunay nga ang puso ng pari ay tumatanda kapag siya’y naangkin ng kasakiman, ng pagiging makasarili at pagkainggit, when routine has taken away the zeal and eagerness of youth and when mediocrity has replaced creativity, openness and the desire to give more of himself, he has truly grown old, aged and wrinkled by time and sooner, the old becomes cold, indifferent, bitter and resentful. Sa ating pagsariwa ng ating  makaparing pagtatalaga sa araw na ito, binibigyan tayo ng pagkakataon na muling matuklasan kung paano miuli maging isang kabataan. At ang pagiging isang kabataan ay hindi lamang yaong hanapin mo ang mga lumilipas na kasiyahan at paimbabaw na tagumpay. Ang pagiging isang kabataan ay isang mapagbigay na pagtatalaga, buong puso at sakripisyo na talagang mahirap subalit sa huli ay mabunga. Ang pagiging isang kabataan ay ang ipagkatiwala ang hinaharap sa pagkalinga at pag-ibig ng Ama kahit na tila nakasisiphayo ito ngayon. Ang mga salita ni Apostol San Pablo kay Timoteo ay umaalingawngaw sa araw na ito sa lahat ng mga pari na natitipon sa katedral na ito: “this reason I remind you to fan into flame the gift of God, which is in you through the laying on of my hands.” Dahil dito ipinaalala ko sa iyo, papagningasin mong mabuti ang biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ulo mo. My brother priests, it is still there, fan it into flames, fan it into flames! Minamahal na Sambayanan ng Diyos, tinatawagan tayo ng Santo Papa kung paanong tinatawagan ang mga kabataan ngayon, hayaan ninyo na kayo ay maakit ng mga maraming mga pari na patuloy na naglilingkod na may katapatan at kabutihang-loob. At kapag nakakita kayo ng pari na nasa panganib sapagkat nawala na sa kanya ang kagalakan ng paglilingkod bilang pari, o ang hinahanap na lang ay karampatang kabayaran o kaya’y tumatahak sa maling landas, paalalahanan ninyo siya ng kanyang pagtatalaga sa Diyos at Kanyang bayan. Paalalahanan ninyo siya ng ebanghelyo at hikayatin siya na panghawakan ang tamang landas. Sa ganitong paraan, higit na makapagbibigay kayo ng bagay na mas mahalag  para hindi na maulit ang pag-aabusong nangyari. (Christus Vivit, 100) At sa huli, sa inyo mga minamahal kong pari sa Diyosesis ng Malolos. Ang taon-taong pagdiriwang ng Misa ng Krisma bilang nagkakaisang kaparian ay ipinakikita sa atin ang kahalagahan ng buhay bilang isang sambayanan sa ating pananatili sa kaparian. Kapag tayo ay humiwalay sa isa’t isa mahuhulog tayo sa pagsila at pang-akit ng masama. Kapag tayo ay naiwang nag-iisa lamang madali tayong sumuko sa tukso na siyang nagiging dahilan ng pagkakahati-hati (pagkakawatak-watak) at ginagawa tayong marupok at mahihina. In this Year of the Youth, let us allow the young people to teach us that there is strength in brotherhood. In the mutual support and love we give one another, we do not only grow as a priestly community and in our vocation as priests, but we also draw out the best in each of us and in our fraternity. We open before us a horizon of beautiful realities we are yet to accomplish together. Sa ilang sandali atin na pong itatalaga ang Banal na Krisma at bayaan ninyong tapusin ko ito sa panalangin noong kayo’y pahiran ng Krisma sa araw ng ating ordenasyon:

Si Hesus, na nilagyan ng langis

ng Espiritu ng Ama bilang Mesiyas,

ay Siya nawang laging magtaguyod sa iyo

upang ilapit mo sa Kanya

ang Kanyang sambayanan

at maganap mo ang Kanyang paghahain

sa Amang Maykapal.

   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *